Leona Florentino

Mother of Philippine Women's Literature] (19 April 1849 - 4 October 1884 / Vigan

Pagbating babiro

Lantang hasmin ang makakatulad,
Pag byente-otso na ang iyong edad,
Kaya tunay lamang at karapat-dapat,
Ang pagtanda mo'y ikabagabag.

Dahil anuman ang iyong gawin,
Di na pweden pang pigilin,
Lalo pa't paghakbang mo'y medyo alanganin,
At nawawala na ang tikas na angkin.

Kaya nga ngayon pa ma'y iyo nang iwasan,
Ang landas ng kapos-kapalaran,
Ipagparangyaan ang iyng kariktan,
Sa kabila ng papalapit na katandaan.

Sapagkat lalo ka pang didilag
Sa pagtatakal mo ng alak,
Marami ang sa iyo'y ninanakawan
Ni G na may katarayan.

Pamalagiing masigla ang iyong isipan,
Tingnan mo nga kung maglambingan
Sina D at M ang mga hukluban,
Parang mga tuging sa imbudo'y naggigitgitan.

Siya, siya, kung ganyan ang ikikilos mo,
Walang duda, baka sakaling kamtin mo
Ang ikapitong sakramento
Na idudulog ni Don Domongo!
4290 Total read